Friday, June 30, 2006

Tabang Sa Kabikolan Primer

Ano ang Tabang sa Kabikolan?

Ang Tabang sa Kabikolan ay isang malawak na kalipunan ng mga organisasyon, indibidwal, estudyante, at propesyunal sa Metro Manila. Ito ay binuo noong Hunyo 14, 2006. Pangunahin naming layunin ang makatulong sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Ang Tabang sa Kabikolan sa pinapangunahan ng UP Ibalon, isang rehiyunal na organisasyon ng mga estudyante sa UP Diliman. Taong 2000, pinangunahan din ng UP Ibalon ang pagbubuo sa Metro Manila ng Mt. Mayon Disaster Response Network. Nakapangalap to ng pinansya at materyal, at nakapaglunsad ng serye ng relief operation sa mga apektadong komunidad sa Albay noong 2000 at 2001.


Partikular na layunin ng Tabang sa Kabikolan

1. Mangalap ng mga gamot, damit, pagkain, pinansya, at iba pang tulong para sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

2. Maglunsad ng relief operation, medical at dental missions sa mga apektadong pamilya.

3. Magsagawa ng mga masiglang pag-aaral, talakayan, at pagpapaliwanag sa kalagayan ng bikol at ng mga mamamayan nito.

4. Mag-organisa ng mga disaster volunteers sa iba’t ibang paaralan, komunidad, at iba pang lugar sa Metro Manila.

Layunin ng Tabang sa Kabikolan na palawakin ang kanyang network at pakikipagugnayan sa iba’t ibang organisasyon at indibidwal sa Metro Manila at maging sa Bikol.

Bagamat sa nangungunang kampanya ng network ang pangangalap ng tulong para sa mga komunidad na apektado ng Bulkang Bulusan sa kasalukuyan, hindi dito nagtatapos ang pagtataguyod ng Tabang sa Kabikolan. Maari ding dalhin lumahok ang network sa pagpapalaganap ng impormasyon at pagpapakilos hinggil sa iba pang natural o man-made disasters na lubos na nakakaapekto sa kabuhayan ng mamamayang Bikolano.


Paano kami makokontak?

Tumungo lamang sa:

UP Ibalon Tambayan
1A Lorena Barros Hall, Vinzons Hill
UP Diliman, Quezon City

Email:
tabang_sa_kabikolan@yahoo.com
tabang_sa_kabikolan@yahoogroups.com

Website:
tabang-sa-kabikolan.cp-union.org

Makipag-ugnayan sa mga sumusunod:

Kidjie Saguin
UP Ibalon President
0920-8536751

John Paul Clemente
Secretariat, Webmaster Tabang sa Kabikolan
0919-5775736

Czarina Labayo
Secretariat, Tabang sa Kabikolan
0919-3704867

No comments: