Friday, June 30, 2006

Paanyaya Sa Lahat

I got a forwarded letter from my orgmate, John Clemente, who also is the chairperson for the Tabang sa Kabikolan. In behalf of the committee that has been organized to help out victims of the Mt. Bulusan eruption, he's inviting everyone to join one of their meetings this July 14th.

Read on for more information.

Ang TABANG SA KABIKOLAN ay isang malawak na kalipunan ng mga organisasyon, indibidwal, estudyante, at propesyunal sa Metro Manila. Ito ay binuo noong Hunyo 14, 2006. Pangunahin naming layunin ang makatulong sa mga biktima ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Inaaanyayahan namin kayong dumalo sa unang GENERAL ASSEMBLY ng TABANG SA KABIKOLAN para sa pagpapakilanlan at pagpaplano ng mga hakbangin para sa pagkakalap ng mga relief goods at iba pa na makakatulong sa mga komunidad na apektado ng pagputok ng Bulkang Bulusan.

Ito ay magaganap sa ika-6 ng Hulyo 2006 (Hwebes) sa tambayan ng UP Ibalon sa Lorena Barros Hall, Vinzons Hill, UP Diliman, Quezon City.

Makipag-ugnayan na lamang kay John Clemente sa 09195775736 o mag-email dito.

Inaasahan namin ang inyong pagdalo at pag-imbita pa sa iba pang organisasyon at indibidwal na nasa Metro Manila.

Mabalos saindong gabos!

Sumasainyo,

John Clemente

No comments: